SUSPENDIDO ang pagtuturok ng COVID-19 booster shots sa mga minor na may edad 12-17.
Kung matatandaan, nakatakda sana itong simulan noong Sabado, Hunyo 25.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sinunod nila ang payo ng Health Technology Assessment Council (HTAC) hinggil dito.
Anila, kailangan muna maabot ang 40-70% booster coverage sa adult population bago ituloy ang booster shots sa mga malulusog na edad 12-17.
Ngunit sinimulan na aniya ang pagbibigay ng COVID-19 booster dose para sa mga immunocompromised minor para sa nasabing age group noong Miyerkules ngunit sa mga ospital lang ginagawa para sa kanilang kaligtasan.
Umaapela naman ang NVOC na pagbibigyan sila ng HTAC sa kanilang hiling para mas mabigyan pa ng proteksiyon mula sa virus ang mga kabataan.