Boracay Sand Castle, paboritong spot ng mga turista sa Boracay Island

Boracay Sand Castle, paboritong spot ng mga turista sa Boracay Island

NANANATILING ‘top destination’ ang Isla ng Boracay para sa mga turista mapa-lokal man o dayuhan.

Bukod sa mga kainan, water activities at nightlife, isa rin ang Boracay Sand Castle Making sa mga umuusbong na pagkakakitaan ng mga taga-Boracay.

Sa halagang P20 o tip mula sa mga turista, malaking bagay na ito para sa mga gumagawa ng sand castle.

Ayon sa kanila, apat na oras nilang ginagawa ang kastilyong buhangin na tumatagal naman hanggang apat na araw.

Sa kabila ng mga nagdaang bagyo, nananatiling matatag ang mga taga-Isla ng Boracay sa bawat pag-asang hatid sa kanilang buhay araw-araw.

Para sa mga magtutungo sa Isla ng Boracay, bukas ang Tabon Port para sa mga turista mula 6 AM hanggang 6 PM habang pinag- aaralan ang lagay ng panahon.

Para sa mga normal na mga araw, nasa 24 oras ang operasyon ng mga bangka na naghahatid sa mga turista sa Isla.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble