Botulism outbreak sa Russia, posibleng sanhi ng ready-to-eat salads

Botulism outbreak sa Russia, posibleng sanhi ng ready-to-eat salads

MAHIGIT isang daan (139) sa Russia ang naghahanap ng medical assistance matapos makaranas ng sintomas ng botulism.

Ang botulism ay isang seryosong sakit na sanhi ng isang bakterya.

Mula sa bakterya ay nabubuo ang isang lason na aatake sa nervous system ng isang tao na maaaring ikamatay kung hindi agad maagapan.

Ilan sa sintomas ay abdominal pain, pagsusuka, diarrhea, malabong paningin, at hirap sa paglunok o pagsasalita.

Itinuturong dahilan naman ng Russian authorities dito ang ready-to-eat salads ngunit nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Nakasuspinde na rin sa ngayon ang operasyon ng isang sikat na food delivery service sa Russia na nagbebenta ng ready-to-eat salad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter