Boy dila, nag-sorry kasunod ng naging asal niya noong Wattah Wattah Festival

Boy dila, nag-sorry kasunod ng naging asal niya noong Wattah Wattah Festival

SA isang press conference nitong Martes, iprinisenta ni San Juan City Mayor Francis Zamora si Lexter Castro o mas kilalang ‘Boy Dila’ — ang lalaking nagviral online dahil sa naging asal nito noong Wattah Wattah Festival sa lungsod.

Binasa ni Castro ang isang rider gamit ang isang water gun na tila may kasama pang pang-aasar kung saan nakalabas pa ang dila.

Dahil sa kaniyang nagawa humingi ng paumanhin si Castro.

‘’Dahil po sa akin, nasisira po ang San Juan po. Sa lahat po humihingi po ako ng paumanhin sa inyo. Sa mga nasabi ko po sa inyo lalong lalo na sa rider humihingi ako ng patawad sa inyo at gusto ko po kayong Makita,’’ ani Lexter Castro.

Ibinahagi naman ni Castro na nai-stress na siya sa mga natatanggap na mga pagbabanta.

Pakiusap niya ay huwag na sanang idamay ang kaniyang pamilya.

‘’Kung may galit po sila sa akin, ako na lang po anuhin nila kasi masakit din po kasi nadadamay po yung pamilya ko,’’ saad nito.

Sinabi naman ni Zamora na walang nilabag si Castro na anumang batas kaugnay sa pambabasa niya sa rider.

‘’Specifically yung ginawa niya na pangbabasa gamit ang watergun at yung pandidila ni kung tutuusing walang violation ito,’’ ayon kay Mayor Francis Zamora San Juan City.

‘’Wala kasing violation ng anumang batas. Pero kung maghahain ng reklamo ang rider ani Zamora, posible pa ring maharap sa kaso si Castro,’’ saad ni Mayor Zamora.

‘’Kung sakaling ‘yung rider na binasa niya, nasira ang cellphone o ‘di kaya’y laptop, puwede siyang kasuhan ng reckless imprudence resulting to damage to property. Pero depende ngayon ‘yan kung ‘yung rider na ito ay pupunta dito upang mag-file ng complaint,’’ dagdag nito.

Nais ni Castro na personal na humingi ng tawad sa rider at maghandog ng isang helment at kapote.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble