Brazil at Chile, maglalaban sa huling South American Football Qualifiers

MULING maghaharap ang Brazil at Chilean Football Team ngayong araw para sa huling yugto ng South American Football Qualifiers para sa pinakahihintay na Qatar World Cup Qualifiers 2022.

Nagtungo na ang Brazil Football Team sa Rio de Janeiro para sa paghahanda nito sa pagharap sa Chile kung saan gaganapin ang laro ng dalawang bansa sa Maracana Stadium sa ganap na alas 8:30 ng gabi.

Dahil sigurado nang pasok ang Brazil sa World Cup Qualifiers ay makikipagsagupaan na lamang ito sa Chile para manatili ito sa torneyo hanggang sa pagtatapos ng laro.

Sa score na 39 points ay patuloy na nangunguna ang Brazil kung saan wala pa itong talo pero mayroon nang tatlong tabla.

Pumapangalawa naman ang Argentina sa palarong ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter