MULING magbabalik sa bansa ang isa sa pinakasikat na British rock band na Coldplay sa bansa.
Nakatakdang ganapin ang concert sa darating na Enero 19 sa susunod na taon na gaganapin sa Philippine Arena.
Matatandaang taong 2017 pa nang magkaroon ng concert sa bansa ang nasabing grupo.
Binubuo ang Coldplay ng 4 na miyembro na sina Chris Martin, Jonny Buckland, Guy Berryman at Will Champion.
Sikat ang grupo sa mga kantang “Fix You”, “The Scientist” at “Viva La Vida”.