INIHAYAG ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na matatapos na sila sa paglilikas ng mga residente na naninirahan sa loob ng 6 kilometers radius permanent danger zone malapit sa paanan ng Bulkang Mayon.
Umabot na sa higit 3,700 na pamilya ang inilakas mula sa iba’t ibang lugar sa Camalig, Daraga, Guinobatan, Ligao, Tabacco, at Malilipot.
Ayon kay APSEMO officer-in-charge Eugene Escobar, malapit na rin aniya maabot ang target na higit 14,000 katao na dapat mailikas at dadalhin sa iba’t ibang itinalagang evacuation centers sa probinsiya ng Albay.
Tiniyak naman ng APSEMO na mayroong sapat na pagkain, gamot, hygiene kits, at iba pa ang mga residente habang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation sites.