Concert tours ni Ozzy Osbourne, kinansela

Concert tours ni Ozzy Osbourne, kinansela

KINANSELA ni British Veteran Rock star Ozzy Osbourne ang kanyang concert tour dates dahil sa kahinaan ng katawan.

Ito ay dahil noong nakaraang 4 na taon ay naaksidente si Ozzy na nagdulot sa pagka-injured ng spine nito.

Saad pa nito na walang problema ang kaniyang boses subalit matapos ang 3 operasyon na pinagdaanan gaya ng stem cell treatments, endless physical therapy, at groundbreaking cybernics (HAL) treatment, ay naging mahina na ang kaniyang katawan.

Nagsimula ang career ni Osbourne bilang miyembro ng heavy metal band na Black Sabbath kung saan nagwagi ito ng Grammy Awards sa pagiging solo at sa pagkasama sa nasabing banda.

Samantala, magsisimula sana ang kaniyang Farewell European at United Kingdom Tour sa buwan ng Mayo.

Follow SMNI NEWS in Twitter