Bucks, itinuturong mananalo sa NBA championships base sa annual GM Survey

Bucks, itinuturong mananalo sa NBA championships base sa annual GM Survey

PINABORAN ang Milwaukee Bucks bilang NBA champions ngayong season ayon sa annual survey sa 30 na general managers ng liga.

Base sa inilabas sa nba.com, inihayag na nakikita ang Bucks na frontrunners para sa 2023 championship na may 43% votes.

Nakakuha naman ang defending champion na Golden State Warriors ng 25% ng boto habang ang Los Angeles Clippers naman ay mayroong 21%.

Samantala, si Luca Doncic naman ng Dallas Mavericks’ ang pinapaboran na mananalo para sa NBA most valuable award ngayong season na may 48%.

Sinundan ito ni Bucks Star Giannis Atentokounmpo na may 34% habang sinundan ito ni Joel Embiid ng Philadelphia 76ers’ na may 14%.

Ang survey ng mga general manager ay ginagawa na bawat taon sa nakalipas na 21 na taon kung saan ang mga lalahok ay hindi maaaring iboto ang kanilang team o personnel.

Follow SMNI NEWS in Twitter