BuCor ipinagkaloob sa mga dalaw ng bilanggo ang libreng sakay sa NBP

BuCor ipinagkaloob sa mga dalaw ng bilanggo ang libreng sakay sa NBP

ILULUNSAD ngayong araw ng Bureau of Corrections (BuCor) ang “Libreng Sakay para sa mga dalaw ng PDL”.

Malaking tulong umano ang maipaparating ng Libreng Sakay ng BuCor dahil makatitipid na sa pamasahe ang mga bibisita sa New Bilibid Prison (NBP).

Mayroong tatlong magkakahiwalay na compound ang BuCor sa loob lamang ng NBP reservation area nito.

Ito ay ang Minimum, Medium at ang pinakamalaki ay ang Maximum Security Compound na may pinakamaraming bilang ng person deprived with liberty (PDL).

Ang tatlong nabanggit na compound sa NBP ay magkakahiwalay na may layo na higit sa isang kilometro, na kung mabibigyan ng libreng sakay ay malaking tulong ang maibibigay nito, di lamang sa mga bilanggo kundi pati na rin sa magiging dalaw nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter