PANSAMANTALANG isasara sa mga motorista ang Buendia Flyover sa Makati City mamayang gabi.
Ito’y kasunod ng isasagawang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways sa Buendia Flyover sa kahabaan ng South Super Highway sa Makati City.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang pagkukumpuni mamayang alas diyes ng gabi at tatagal hanggang alas kwatro ng madaling araw bukas, Hulyo 22.
Dahil dito, isasara sa mga motorista ang northbound direction ng flyover sa buong panahon ng repair.