SA kabila ng matinding init ng panahon, tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga botante sa Buhangin Central Elementary School upang makilahok sa 2025 Midterm Elections.
Mahigpit din ang seguridad sa lugar, at nakaantabay ang mga election officers upang tiyakin ang maayos at mapayapang daloy ng halalan para sa mga botante sa nasabing paaralan.