Bukidnon PARCCOM, pinarangalan sa matagumpay na pagpapatupad ng agrarian reform

Bukidnon PARCCOM, pinarangalan sa matagumpay na pagpapatupad ng agrarian reform

TUMANGGAP ng pagkilala ang Provincial Agrarian Reform Coordinating Council (PARCCOM) sa ginanap na national conference sa Queen Margaret Hotel, Lucena City, Quezon Province dahil sa matagumpay na implementasyon ng Agrarian Reform Program.

Dahil sa karangalang natanggap, malaki ang pasasalamat ni Ignacio D. Baquiler, Jr., presiding officer ng PARCCOM Bukidnon sa pagkilala ng Department of Agrarian Reform sa kanilang mga pagsisikap na ginagawa sa pagpapaunlad ng pangkabuhayan ng mga mamamayan sa lugar.

Kasunod nito, ipinangako nitong patuloy na mangunguna ang kanilang organisasyon sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) tungo sa pagpabubuti ng buhay ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).

Ibinahagi rin nito na mayroong 7 livelihood projects na inilunsad ang kanilang grupo, na kinabibilangan ng cattle dispersal, citronella oil processing facility, pagpapahusay ng produksiyon ng palay at mais sa pamamagitan ng pagbibigay ng post-harvest facilities, at puto at iba pang Filipino kakanin-delicacies na makakatulong sa lahat ng kanilang mga benepisyaryo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter