POSIBLENG magkaroon ng malawakang pagbaha sa Bulacan.
Ito’y dahil sa nadiskubreng ilegal na minahan sa tuktok ng isang burol sa hangganan ng Doña Remedios Trinidad at Norzagaray.
Ayon sa ulat ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), isang taon nang nag-ooperate ang naturang minahan.
Halos napatag na ang tuktok ng burol at wala nang mga puno.
Nang sinalakay naman ito ng mga awtoridad ay naaresto ang pitong manggagawa ngunit hindi pa mahanap ang may-ari ng minahan.
Sa pagkakaroon ng baha, kabilang sa lubos na maapektuhan ang mga lugar sa Bulacan tulad ng Malolos, Norzagaray, Sta. Maria, at Guiguinto.