MALUNGKOT na ibinahagi ng mga awtoridad na isa pa lamang ang naitalang survivor mula sa bumagsak na eroplano ng Air India nitong Hunyo 12, 2025.
Ang survivor na British national at kinilalang si Vishwas Kumar Ramesh ay isang pasahero ng eroplano.
Sa kaniyang testimonya, normal ang simula ng paglipad ngunit 30 segundo pa lamang matapos umalis ang eroplano ay biglang nagbago ang lahat.
Sa loob ng ilang minuto ay bumagsak na ang eroplano.
Sa naturang biyahe ay kasama ng survivor ang kaniyang kapatid ngunit hindi pa niya alam kung nakaligtas din ito.
Sakay ng naturang eroplano ang nasa 242 katao.
230 rito ay mga pasahero at 12 ang miyembro ng crew at lahat ng mga ito ay posibleng patay na.