Bumaliktad na si Rafael Ragos, hindi pinayagang makapagtestimonya sa hearing ng kaso ni De Lima

Bumaliktad na si Rafael Ragos, hindi pinayagang makapagtestimonya sa hearing ng kaso ni De Lima

HINDI pinayagang makapagtestimonya si dating Bureau of Corrections (BuCor) official Rafael Ragos sa hearing ng kaso ni ex-Senator Leila de Lima.

Sa kabila ito ng pagpunta ni Ragos sa isinagawang hearing nitong Biyernes.

Ayon kay Filibon Tacardon, ang abogado ni De Lima, sinabihan sila ng panel of prosecutors na hindi karapat-dapat si Ragos na tawaging witness.

Huwebes ng gabi nang naghain ng apela ang ilang abogado ng pamahalaan sa Muntinlupa Court at hiniling nito na mag-testify si Ragos ngunit hindi ito pinagbigyan.

Noong buwan ng Mayo, ilang araw mula sa national and local elections nang lumantad si Ragos at sinabing si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang pumilit sa kanya na magtestimonya laban kay De Lima.

Ayon naman kay Aguirre, kwestyunable ang timing ng pagbaligtad ni Ragos.

Wala namang ipinepresentang ebidensya si Rafael Ragos para suportahan ang kanyang pagbaligtad.

Inihain pa ani Aguirre ang kaniyang bagong affidavit sa harap ng TV at radyo na kung totoo ang mga ito, sanay idineretso na sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Naniniwala si Aguirre na galawan ito ng mga nasa likod ni De Lima para makakuha ito ng simpatiya sa publiko at maiangat noon ang kandidatura ng dating senadora.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter