Mosyon ni Vhong Navarro na manatili sa NBI Detention Center, hindi pinaboran

Mosyon ni Vhong Navarro na manatili sa NBI Detention Center, hindi pinaboran

HINDI pinaboran ng korte ang mosyon na inihain ni Vhong Navarro na manatili sa NBI Detention Center.

Sa nilalaman ng mosyon ni Navarro, sinadya niyang sumuko sa NBI dahil natatakot siya para sa kanyang kaligtasan ngunit handa naman aniya siyang harapin ang kasong nakasampa laban sa kanya.

Maliban pa rito, nakatanggap din ng anonymous text message ang asawa ni Vhong kung saan nakasaad doon na may nag-aantay sa aktor doon sa Taguig City Jail.

Matatandaang naunang na-detain sina Deniece Cornejo at Cedric Lee kasama ang kanilang mga kaibigan sa Taguig City Jail bago ito makapagbigay ng bail.

Ayon sa panig ni Vhong, posibleng nagkaroon ng koneksyon sa mga gang sa Taguig Jail ang grupo ni Deniece.

Para naman kay Taguig RTC Branch 69 Judge Loralie Cruz Datahan, hindi naipakita ni Vhong ang tinutukoy na text threat at maaaring ma-interpret sa ibang paraan ang mensahe.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Deniece, panuntunan na rin sa korte na dalhin ang akusado kung saan inisyu ang arrest warrant.

Sa sitwasyon ni Vhong ay Taguig ang lokasyon ng arrest warrant.

Follow SMNI NEWS in Twitter