UMAAPELA ang Citizens Crime Watch sa pangunguna ni Atty. Ferdie Topacio sa Department of Justice (DOJ) na kung maari ay huwag nang ilipat ng pasilidad ang mga tumetestigo laban kay dating Senadora Leila de Lima.
Aminado si Atty. Topacio, ang national chairman ng Citizens Crime Watch na maging mismo ang tumetestigo at mga kaanak nito laban sa dating senadora Leila de Lima ay natatakot na mailipat sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Topacio, ito’y dahil hindi nakatitiyak sa seguridad ang witnesses laban sa dating senadora kung sila ay ililipat sa NBP.
Matatandaan walo na ang nasawi sa NBP sa Muntinlupa City na may kinalaman sa kaso ni De Lima.
Giit ni Topacio sa inilabas na memorandum ng DOJ saklaw ang mga testigo sa Witness Protection Security and Benefit Program sa ilalim ng RA ,6981 at implanting rules and regulations.
Mula sa Camp Aguinaldo kabilang ang mga testigo ang ililipat sa NBP ay sina Engelberto Durano, Herbert Colangco, Noel Martines, Jaime Patcho, Rodolfo Magleo, Herman Agojo, at Gerry Pipino.
Ganun din ang witnesses na mula sa Philippine Marine Corps na sina Jojo Baligad, Roilan Trestiza, Joel Capones, Nonilo Arile, Hans Anton An, at Peter Co.
Aminado rin si Topacio na isa rin sa kinatatakutan na mangyari kung ang mga naturang testigo ay pipilitin na lumipat ng pasilidad kung hindi malalagay sa panganib ang kanilang buhay ay maaari din silang tumalikod sa kanilang una nang sinumpaang salaysay.
Sa kabila nito, umaapela naman si Topacio kay DOJ Sec. Boying Remulla.
Idinagdag din ni Topacio wala siyang nakikitang mabigat na dahilan para ilipat ang naturang witnesses sa NBP.
