SA unang pagkakataon, naganap kaninang umaga ang inaugural flight na mag-uugnay sa Visayas at Northern Luzon na dinaluhan ng mga opisyales ng Philippine Airlines (PAL), Mactan Cebu International Airport, GMR Megawide, Local Officials, Tour Operators at mga stakeholders.
Sa isang seremonya, sinabi ni Captain Stanley K. Ng, PAL President, mas mapapadali nito ang access ng mga turista mula Visayas papuntang Baguio City lalung-lalo na ang mga pinagmamalaking tourist spot ng Cordillera Region at Northern Luzon.
4 na beses sa isang linggo ang flight schedule ng PAL sa naturang ruta.
Sa kasalukuyan, ang PAL Hub ng Mactan-Cebu ay may mahigit 200 flights kada linggo sa 19 na destinasyon papunta sa mga iba’t ibang syudad sa Pilipinas kasama na ang iba pang destinasyon sa ibang bansa tulad ng Tokyo at Bangkok.