NASAWI ang isang katao matapos na sumabog ang car bomb sa loob ng police compound sa Southern Thailand kamakailan.
Ang hinihinalang suspek ay nagsuot umano ng damit ng pulis at nag-park ng sasakyan na puno ng bomba.
Ayon kay Lieutenant Colonel Niti Suksan, deputy police commissioner ng Narathiwat Province, patuloy nilang kini-clear ang lugar at posibleng umangat pa ang bilang ng nasugatan.
Sa ngayon ay umabot na sa 29 ang nasugatan at nasa ospital na.
Ang mga sugatan ay mga pulis at ilang sibilyan.
Nagpahayag naman ng pagkabahala si Prime Minister Prayuth Chan-o-Cha sa insidente at inutusan ang pulisya na dapat paghusayin ng pulisya ang mga hakbang nito sa seguridad ng publiko.
Matatandaan na ang mga probinsya sa timog ng Thailand kasama ang border nito sa Malaysia ay nakikipaglaban sa ilang dekada na insurhensya roon.