‘Car-free Sundays’ program inilunsad ng Marikina City

‘Car-free Sundays’ program inilunsad ng Marikina City

INILUNSAD na rin ng Marikina City ang programang ‘Car-Free Sundays’ upang hikayatin ang mas aktibo at malusog na pamumuhay ng kanilang mga residente.

Sa ilalim ng programa, isang bahagi ng Gil Fernando Avenue—mula Guerilla Street hanggang Comedor Restaurant—ay magiging pedestrian at bike-friendly space tuwing Linggo, mula 6:00 a.m. hanggang 10:00 a.m.

Hinihikayat ang mga residente na lumahok sa iba’t ibang outdoor activities tulad ng paglalakad, jogging, pagbibisikleta, Zumba, at iba pang ehersisyo sa 700-metrong kalsada.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, bukod sa benepisyong pangkalusugan, makakatulong din ito sa pagbabawas ng polusyon at ingay sa lungsod kahit sa loob lamang ng ilang oras kada linggo.

Bukod sa Marikina, may sarili ring ‘Car-Free Sundays’ program ang Maynila, Makati, at Quezon City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble