SA kabila ng isinampang P2.15-M civil damages ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Emeritus Chairperson Carol Araullo laban kay Dr. Lorraine Badoy ay buo pa rin ang loob nito na tawaging urban operative ng CPP-NPA-NDF si Araullo.
Isa sa binigyan-diin ni Badoy kung bakit hindi red-tagging at totoong operatiba ng CPP-NPA-NDF na binansagang terorista ay dahil sa stock footage ni Joma Sison kung saan, isiniwalat nito na ang BAYAN na pinamumunuan ni Araullo ay parte ng Communist Party of the Philippines.
Para naman kay Badoy, isang indikasyon ito na napupuruhan na at nalalantad ang totoong pagkatao ng mga personalidad na nagkukubli sa mga organisasyong binuo ng CPP-NPA-NDF.
Samantala, sinusugan naman ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz na isang former rebel ang naging pahayag ni Badoy ukol sa pagkatao ni Araullo bilang operatiba ng CPP-NPA-NDF.
Sa kabilang banda naman ay countersuit ang sunod na hakbang ni Badoy laban kay Carol Araullo.