NAGPAKITANG-gilas ang Cleveland Cavaliers sa unang laban ng 2025 NBA Playoffs matapos talunin ang Miami Heat sa iskor na 121-100 nitong Abril 21, PH time.
Pinangunahan ni Donovan Mitchell na may 30 points at Darius Garland na may 27 points ang Cleveland.
Si Ty Jerome ay may ambag din na 28 points para sa Cavs.
Bagamat may 24 points si Bam Adebayo, 21 points ni Tyler Herro at Davion Mitchell na may 18 points, hindi pa rin nakuha ng Miami na talunin ang Cleveland.
Follow SMNI News on Rumble