CCC, power generation firm lumagda ng kasunduan bilang suporta sa climate change action plan ng LGUs

CCC, power generation firm lumagda ng kasunduan bilang suporta sa climate change action plan ng LGUs

LUMAGDA sa isang memorandum of agreement (MOA) ang Climate Change Commission (CCC) at power generation firm na First Gen Corporation upang tulungan ang mga local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng kanilang climate change mitigation and adaptation programs.

Ayon sa CCC, ang MOA ay magbibigay kakayahan sa mga LGU na i-mainstream ang climate change adaptation para makakuha ng access sa People’s Survival Fund (PSF), isang taunang pondo para sa pagpapatupad ng climate change adaptation projects.

Ang naturang kasunduan ay bubuo ng mga panukala sa proyekto ng PSF at magpapahusay sa mga Local Climate Change Action Plan (LCCAPs) ng LGUs.

Kabilang ang pag update sa climate and disaster risk assessments at greenhouse gas inventory.

 

Follow SMNI News on Twitter