Ceasefire agreement, iuuroong na kung hindi mapapalaya ng Hamas ang mga Israeli hostage

Ceasefire agreement, iuuroong na kung hindi mapapalaya ng Hamas ang mga Israeli hostage

IUUROONG na ng Israel ang ceasefire agreement kung hindi palalayain ng Hamas militant group ang mga Israeli hostage sa Sabado, Pebrero 15, 2025, batay sa napagkasunduan.

Ayon ito kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Mapapansing unang inihayag ng Hamas na ipagpapaliban na muna nila ang pagpapalaya ng kanilang mga Israeli hostage.

Anila, may nilabag umano ang Israel sa ceasefire agreement.

Sa panig naman ng Israel, may siyam na Israeli hostage sana ang dapat napalaya na ng Hamas sa phase 1 ng ceasefire ngunit papalayain pa lang ito sa mga susunod na araw.

Kung tutuusin ayon sa Israel, naunang lumabag sa kasunduan sa ilalim ng ceasefire agreement ang Hamas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble