MULA sa lungsod ng Davao, tumungo ang Hakbang ng Maisug sa Queen City of the South, ang Cebu City, para sa isang prayer rally nitong Linggo ng gabi.
Nakiisa ang mga taga-Cebu sa panawagan ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tutulan ang People’s Initiative (P.I.) na nagsusulong ng Charter Change.
Pagbibigay-diin nila na ang mga taga-Cebu ay “not for sale”.
“Gusto mi mga Cebuano mu-voice out pud mi sa among katungod. Dile mapalit among boto. Strong jud mi ni Duterte. Dile mapalit among pirma,” ayon kay Vergencita Paquibot, residente ng Cebu City.
“’Yung kapalit ng ayuda kapalit ng pirma kapalit ng P100 o P200 para lang sa pirma, hindi pwede iyan. Kailangan ‘yung tamang proseso,” wika ni Carlos Caballero, residente ng Naga City.
Kanila namang pahayag ang kanilang pagkadismaya sa kasulukuyang administrasyon.
Mga taga karatig-lalawigan sa Cebu City at mga OFW, tutol sa kontrobersiyal na People’s Initiative
Pero bukod sa mga taga-Cebu, nakiisa rin ang mga taga-karatig lalawigan sa prayer rally.
Ilan sa kanila ay bumiyahe pa mula sa Samar, Leyte, Biliran, Bohol, at iba pang mga lugar sa Visayas.
“To support the … transparency, accountability, peace, and security. ‘Yun po ang pinaglalaban natin at tsaka ‘yung P.I. Ayaw namin sa P.I. dahil hindi ipinapaabot sa tao kung ano talaga ang purpose ng P.I.,” ayon naman kay Laarnie Cabatingan, residente ng Tacloban City.
May mga OFW din na dumalo sa pagtitipon upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa kontrobersiyal na P.I.
“Dile nato kinahanglan magpapalit. Kinahanglan makasabot dyud ta unsay P.I. So kini maoy akong baruganan,” ayon kay Irene Perry, OFW mula New Zealand.
“Gusto mi ug transparency kay dile namo gusto na masayang ang among ginapadala na kwarta na maadto lang sa corruption,” tugon ni Noe Balagon, OFW mula Dubai.
“Dile pud mapalit among pirma. Ang OFW are not for sale,” aniya pa.
Dumalo rin sa prayer rally si Cebu City Mayor Mike Rama at tiniyak ang kaniyang pagtutol laban sa P.I.
“I’ve been very clear. Without any fear of contradiction, anywhere I can stand. I have been, when we talk about advocacy, when we talk us about making a stand for the country. You can count on Mike Rama,” pahayag ni Mayor Mike Rama, Cebu City.
“I do not like People’s Initiative because it has become a congressional initiative and likewise it has become a secret initiative. We are not for sale. Cebu City is not for sale. Our country is not for sale,” ani Rama.