Celebrities na bida sa MMFF 2023, tumungo sa US para sa kauna-unahang MIFF

Celebrities na bida sa MMFF 2023, tumungo sa US para sa kauna-unahang MIFF

TUMUNGO na sa Los Angeles, California, USA ang ilang celebrities na tampok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 para sa kauna-unahang Manila International Film Festival (MIFF) na isinasagawa simula Enero 29 hanggang Pebrero 2, 2024.

Halimbawa sa mga nagsitungo doon ay sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Janella Salvador, at Ysabel Ortega.

Inaasahan din na tutungo sa California sina Alden Richards, Christopher de Leon, Beauty Gonzalez, Cedrick Juan, Enchong Dee, Eugene Domingo, John Arcilla, Andoy Ranay, at Christian Bables.

Layunin ng kauna-unahang MIFF ang mapatatag ang film industry ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng screening sa Estados Unidos.

Kaugnay rito ay makikita ang movie entries ng MMFF 2023 gaya ng “Rewind”; “Firefly”; “GOMBURZA”; “Mallari”; “Becky & Badette”; “When I Met You in Tokyo”; “Kampon”; “Penduko”; “Broken Heart’s Trip”; at Family of Two sa TCL Chinese Theatre.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble