Center for Disease Control at Medical Reserve Corps, isinusulong ni Sen. Go

Center for Disease Control at Medical Reserve Corps, isinusulong ni Sen. Go

ISINUSULONG ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagkakaroon ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) at Medical Reserve Corps sa bansa bilang paghahanda sa posibilidad ng public health emergency.

Ito ay bilang pagtugon sa mandato ng Marcos administration na mangunguna ang gobyerno sa pagprotekta sa Pilipino mula sa mga health threats.

Layunin ng CDC at Medical Reserve Corps na maiwasan ang labis na pagtatrabaho ng mga health workers sa dami ng mga pasyente lalo na tuwing may public health emergency.

Sa ilalim ng Senate Bill (SB) 195, tungkulin ng CDC na magsiyasat; magpatupad ng mga regulasyon; pagkuha at pamamahagi ng mga bakuna, antibiotic at iba pang mga medikal na supply; at pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga bansa patungkol sa public health emergencies.

Habang ang Senate Bill (SB) 1180 naman o “Medical Reserve Corps Act of 2022” ay naglalayong magtatag ng isang Medical Reserve Corps na binubuo ng mga health workers at mga men in uniform.

Samantala, nilinaw rin ni Go na ang CDC ay hindi papalitan ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at patuloy pa rin ito sa paghatid ng serbisyo sa pagcontrol sa iba’t ibang common tropical disease sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter