DINAGDAGAN na ng Commission on Higher Education (CHED) ang bilang ng mga kolehiyo at unibersidad na maaaring magsagawa ng limited face-to-face classes sa kanilang medical-related courses.
Sinabi ng CHED na nasa 93 na Higher Educational Institutions (HEIs) sa 14 na rehiyon sa bansa ang pinayagang magsagawa ng limited face-to-face classes.
Karamihan sa mga insitusyong pinayagan ay mula sa Metro Manila na mayroong 16 universidad at kolehiyom 13 sa Region12, 12 sa Region 4 at Region12, pito sa Region 5 at Region 7, anim sa Cordillera Administrative Region, lima sa Region 5 at Region 9, tatlo sa Region 1 at Region 11, at tag-isang insitusyon sa Region 2, Region3 at CARAGA.
Samantala, sinabi ni CHED Commissioner Prospero De Vera III na wala pang naitatalang virus transmission sangayon sa mga insitusyong nagsasagawa ng limited face-tof-face classes.
(BASAHIN: Ilang face to face classes sa college of medicine, zero COVID-19 infection —CHED)
Plano na mag-isyu ng safety seal sa mga paaralan
Plano naman ng CHED na magbigay ng “safety seal” certifications sa mga colleges at unibersidad na nagsasagawa ng limited in-person classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay CHED Chairman Prospero “Popoy” de Vera, magsisilbi ang certificate bilang assurance na paaralan ay ligtas at sumusunod sa health protocols.
Ani De Vera, kailangang pa nilang gumawa ng mas detalyadong guidelines para sa joint monitoring ng CHED ng local government para matiyak na maaabot ang itinakdang standards.
Sa ngayon, nag-iisyu lamang ang gobyerno ng safety seals sa mga mall at iba pang establisimyento para matiyak sa publiko na sumusunod ang mga negosyo sa public health standards.