HINDI makakasama sa “The Dream Show 2” ngayong Abril 29 – 30, 2023 si Chenle, ang main vocalist ng South Korean boy group na NCT Dream.
Sinabi ng local event producer na PULP Live World na may kaugnayan sa kalusugan ang sanhi kung bakit hindi ito makakasama.
Sa anunsiyo, concert sa Manila at Singapore ang hindi masasalihan ng main vocalist.
Ang NCT Dream ng SM Entertainment na binubuo nina Mark, Renjun, Jeno, Haechan, Jaemin, Chenle at Jisung ay huling nag-concert sa Pilipinas noong February 2020.
Sa nagdaang dalawang K-pop festivals noong 2022 ay 5 miyembro lang din ang nakapunta.
Sikat ang NCT Dream sa mga kanta tulad ng “Beatbox”, “Hot Sauce”, “Hello Future”, at “Glitch Mode”.