Lea Salonga, napiling magtanghal sa White House State Dinner para sa South Korean President

Lea Salonga, napiling magtanghal sa White House State Dinner para sa South Korean President

NAPILING magtanghal sa White House State Dinner para kay South Korean President Yoon Suk-yeol si Filipina International Singer at Disney Legend Lea Salonga.

Makakasama nito sina Tony Nominee Norm Lewis and former Wicked Star Jessica Vosk.

Ayon sa isang opisyal ng White House, ang Powerhouse Trio ay maghahatid ng isang ‘Quintessential American Art Form’ sa world stage.

Ilan din sa mga napiling magtanghal ay sina Demi Lovato, Ne-Yo, Sara Bareilles at iba pa.

Sa kaniyang social media account ay hindi maitago ni Lea Salonga ang kaniyang kasabikan sa pagtanghal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter