Chery Tiggo, tinalo ang Choco Mucho at nananatiling undefeated sa PVL Reinforced Conference

Chery Tiggo, tinalo ang Choco Mucho at nananatiling undefeated sa PVL Reinforced Conference

NAGAWANG makuha ng Chery Tiggo Crossovers ang ika-apat na sunod na panalo nito matapos nitong talunin ang Choco Mucho Flying Titans sa PVL Reinforced Conference.

Nagawang makabawi ng Crossovers mula sa pagkatalo sa ikalawang set at tuluyang talunin ang Flying Titan sa iskor na 29-27,18-25,25-16,25,20.

Sa ngayon ay mayroong 4-0 standing ang Crossovers at nangunguna rin ito sa standing ng conference.

Kung magagawang manalo ng Cherry Tiggo sa susunod nitong laban ay sigurado na ang puwesto nito sa semifinals ng tournament na isang malaking improvement para sa team na hindi nagawang makapasok sa playoffs ng parehong open at invitational conferences.

Pinangunahan ni Myleen Paat ang panalo ng Crossovers na mayroong 25 points sa 21 kills, dalawang blocks at dalawang service aces.

Samantalang nag-ambag ang import nitong si Jelena Cvijovic ng 10 points, 21 excellent receptions at eight digs.

 

Follow SMNI News on Twitter