Children’s Joy Foundation Inc., ipinagdiwang ang ika-25 anibersaryo sa Davao City

Children’s Joy Foundation Inc., ipinagdiwang ang ika-25 anibersaryo sa Davao City

NAGDIWANG ang Children’s Joy Foundation Inc. (CJFI) ika-25 o Silver Anniversary sa Davao City na pinangunahan mismo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Silver anniversary ng pagbibigay pag-asa, pag-ibig, tulong at mas magandang kinabukasan sa milyun-milyong mahihirap, neglected at indigent na mga kabataan sa buong mundo.

Dalawampu’t limang taon na ang nakakaraan nang maitatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang Children’s Joy Foundation Inc.

Si Pastor Apollo sa kaniyang kabataan ay nakaranas din ng kahirapan. Alam niya ang pinagdadaanan at pakiramdam ng mga bata na sa murang edad pa lamang ay pinagkaitan na ng Tadhana at namumuhay sa kahirapan.

Kay ipinangako niya na kapag siya ay pagpapalain ng Amang Makapangyarihan ay hindi siya magdadalawang isip na ibahagi ang mga pagpapalang ito.

Dito nagsimula ang kaniyang misyon na nagpapatuloy at walang tigil sa pagbibigay tulong, edukasyon, tahanan at higit sa milyun-milyong kabataang nangangailangan.

Ang pinasimulan ni Pastor Apollo na simpleng misyon 25 taon na ang nakararaan na makapagdulot ng pagbabago sa mga mahihirap na bata ay nagkaroon ng katuparan.

At nakalipas ang maraming taon, tumanggap ng pagkilala at parangal ang Children’s Joy Foundation Inc. na patunay lamang sa dedikasyon nito sa pagbibigay-tulong sa mga kabataan.

Ito ay nangangahulugan lamang sa epektong hatid nito sa buhay ng maraming kabataan.

Nakapaghatid ang CJFI ng edukasyon sa mga kabataang hindi makapag-aral dahil sa kahirapan, scholarships para sa mga may kakayanan subalit hindi kayang tustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Nakapagbigay rin ito hindi lamang ng matitirahan kundi isang tahanan kung saan may kalayaan silang makapaglaro, maging masaya at lumaki nang malaya.

Hindi rin magiging posible ang lahat ng katagumpayang natamo ng CJFI kung hindi dahil sa mga volunteer na naging katuwang ng foundation sa loob ng maraming taon.

Tunay nga na hindi maipagkakaila ang epektong hatid ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa milyong-milyong kabataang nabigyan ng pag-asang mamuhay ng normal at magkaroon ng magandang kinabukasan.

At ngayong ipinagdiwang nga sa Davao City ang ika-25 anibersaryo ng Children’s Joy Foundation Inc. isang simple ngunit makabuluhang selebrasyon, pagbabalik-tanaw sa nakaraan, pagpapasalamat sa kasalukuyan at paghahanda sa positibong hinaharap sa pagpapatuloy na misyon nitong makapaghatid ng pag-asa sa milyong-milyong pang kabataan.

Sa naturang selebrasyon ibinahagi ni Pastor Apollo sa kaniyang mensahe ang mga pinagdaanan at nalampasan ng CJFI.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang mga indibidwal na nagkaroon ng malaking ambag sa misyon ng Children’s Joy Foundation Inc. na puno rin ng pasasalamat kay Pastor Apollo sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila upang maging instrumento sa misyong nito.

Sa kabila ng mga katagumpayang nakamit ng Children’s Joy Foundation Inc’ sa mga nakalipas na taon, hindi dito nagtatapos ang misyon  nito bagkus ito ay magpapatuloy sa pangunguna ni Pastor Apollo kalakip ang pag-ibig katuwang ang mga volunteer.

Ito ay patuloy na magbibigay ng pag-ibig, tulong at pag-asa sa mga batang nangangailangan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter