HUMINTO ang China sa pagbibigay ng panandaliang visa sa mga indibidwal mula sa South Korea at Japan bilang pagganti sa mga paghihigpit sa mga manlalakbay na Tsino.
Sinabi ng Beijing na mananatili ang paghinto sa mga visa sa South Korea hanggang sa maalis ang diskriminasyon sa China.
Ang Japan at South Korea ay hindi lamang ang mga bansa na nagpapataw ng mga requirement sa mga manlalakbay mula sa China, kung saan dumarami ang mga kaso ng COVID-19, ngunit ang kanilang mga hakbang ay kabilang sa pinakamahigpit na antas.
Noong nakaraang linggo, tumigil ang South Korea sa pag-iisyu ng tourist visa para sa mga nagmumula sa China, na tinawag ng Chinese Foreign Ministry na hindi katanggap-tanggap at walang siyentipikong basehan.