NANANAWAGAN ang China na itigil na ang mga pag-atake sa mga sasakyang pandagat sa Red Sea.
Ito’y kahit ipinangako ng Houthi rebels ng Yemen na magiging ligtas ang anumang sasakyang pandagat ng Russia at China kung dadaan doon.
Paliwanag ng China, mainam na walang kaguluhan sa Red Sea dahil importanteng ruta ito ng pandaigdigang kalakalan.
Kung mapapansin pa, nagiging sanhi na rin ito ng mga pag-atake ng Estados Unidos at British Force kontra Houthi rebels ng Yemen na siyang sumasalakay ng sea vessels sa nabanggit na katubigan.