INATAKE sa Red Sea ang isang oil tanker na pinagmamay-ari ng Estados Unidos ng dalawang anti-ship ballistic missiles.
Nangyari ang pag-atake nitong Enero 18, 2024, 9:00 pm, Yemeni time.
Ito na ang pinaka-latest na insidente sa nabanggit na katubigan ayon sa US Central Command.
Inamin naman ng Houthi rebels ng Yemen na sila nga ang naglunsad ng missiles.
Bago ito nangyari ay may na-hijack na rin sila ngayong buwan na oil tanker bandang Oman kung saan lulan dito ang 18 Filipino crew.