PUMIRMA ang Japan ng kontrata kasama ang Estados Unidos noong Huwebes para bumili ng land-based tomahawk missiles.
Sa ilalim ng kasunduan, na isinaayos sa pamamagitan ng foreign military sales program ng Washington, ang Japan ay magbabayad ng 254 na bilyong yen para sa 400 tomahawks at iba pang kaugnay na equipment.
Ito ay tatlong taong babayaran ng Japan mula sa Fiscal Year 2025 simula sa buwan ng Abril.
Una na ngang pinlano ng Japan na bumili ng pinakabagong tomahawk block 5 missiles sa Fiscal Year 2026 at 2027 para i-deploy sa maritime self-defense force Aegis destroyers nito.
Pero noong Oktubre ng nakaraang taon nagdesisyon ito na bumili ng mas maaga ng 200 piraso ng naunang version nito, ang block 4 model.
Samantala, inihayag naman ni U.S. Ambassador to Japan Rahm Emanuel na ang Estados Unidos ay magsisimula na sa pagbibigay ng pagsasanay sa Japan Self-Defense Forces para gumamit ng tomahawks simula sa buwan ng Marso.