Chinese Ambassador Huang Xilian, nagpapasalamat sa naganap na unang shipment ng durian export sa China   

Chinese Ambassador Huang Xilian, nagpapasalamat sa naganap na unang shipment ng durian export sa China   

MATAPOS ang bilateral agreement at maisagawa ang kauna-unahang durian shipment ng exported durian sa China, nagpahayag naman ng kaniyang kagalakan si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ukol dito.

Ito ay matapos ang kaniyang naging pagbisita sa durian plantation sa Davao City kamakailan kasama ang ilang kinatawan ng Embahada ng China.

Ayon sa kinatawan ng Chinese Embassy sa bansa, ito ay magbubukas ng mga oportunidad di lamang sa mga Dabawenyo kundi sa buong bansa.

Samantala, para naman sa agriculture sector malaking tulong ito sa mga durian farmers upang madagdagan ang kanilang kita lalo na at may siguradong market na ito.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang durian farmers sa malaking oportunidad na ibinahagi sa kanila at nakahanda ang mga ito na mag-produce at maideliver ang dekalidad na durian na base sa standard na inilatag ng China.

Kamakailan ay nasa tone-toneladang durian ang ipinadala patungong China mula sa Davao City na pinaniniwalaang makikinabang di lamang ang mga Pilipino kundi maging ang China na isa sa mga bansang may pinakamalaking konsumo ng durian.

Follow SMNI NEWS in Twitter