PUMIRMA ang isang Chinese company ng kasunduan sa Agriculture Development sa Laos.
Nakipagkasunduan na ang isang Chinese company na Jiarun Agricultural Development Corporation at Lao Ministry of Planning and Investment ng Memorandum of Understanding (MoU) para sa isang feasibility study sa Forest Restoration at Ecological Agriculture Development Project sa Southern Laos.
Si Xie Fei ng Chairman ng Chinese company at Lao Deputy Minister of Planning and Investment na si Khamchanh Vongsaenboun ang pumrima sa nasabing kasunduan kasama ang mga kinatawan ng dalawang panig.
Ayon sa MoU, ang kumpanya ay magsasagawa ng feasibility study sa Forest Restoration at Ecological Agriculture Development Project sa 5,000 lupain sa Sanamxay District sa Attapeu Province.
Ayon kay Xie, ang proyekto ay lilikha ng 50,000 trabaho na mabisang itaguyod ang lokal na ekonomiya at ang pamantayan ng pamumuhay ng mga tao.
May nakalaan na umanong budget sa pagbibigay ng 20 paaralan, 20 clinics o medical centers sa lokal na komunidad sa darating na 5 taon.
“The company will cooperate with the Lao side, with combined advantages and mutual benefits,” saad ni Xie kay Xinhua.
Ayon sa Chinese company, ang Lao project na ito ang kauna-unahang proyekto na isinagawa nito sa ibang bansa sa ilalim ng belt and road initiative ng China.
“Thus, we will try best to accomplish it with high quality and satisfaction among the local communities,”Pahayag ni Xie.
(BASAHIN: Lockdown sa bansang Laos, palalawigin pa hanggang Mayo 13)