NAGLABAS ng saloobin ang Parokya ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda patungkol sa suhestiyon sa pag-ban ng international shows.
Sa kanyang social media post, sinabi nito na hindi solusyon ang pag-ban bagkus ang pagbibigay suporta at pagkakaroon ng magandang musika ang solusyon.
Dagdag pa nito, kinakailangang makakuha ng suporta mula sa mga mamamayan upang mas mapaunlad pa ang orihinal na gawa ng mga Pilipino.
Matatandaan na inirekomenda ng isang mambabatas ang pag-ban sa mga Korean dramas sa bansa na umani naman ng halong reaksyon mula sa mga netizen.