NATALO ng Choco Mucho sa unang pagkakataon ang sister team nila na Creamline sa naging laban ng dalawa nitong Martes, Abril 30, 2024 sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Semifinals.
Bago ang panalong ito ay natalo na ang Flying Titans ng nasa 12 games kontra Cool Smashers.
Pinangunahan naman nina Sisi Rondina at Royse Tubino ang winning game na ito ng Choco Mucho.
Sa naturang laban, nasa 13-25, 19-25, 25-21, 25-20, at 18-16 ang scoring ng dalawang koponan.