BIBIGYAN ng parangal ang dalawang personalidad na nasa likod ng dalawang champion teams sa nagdaang PBA Season sa PBA Press Corps Awards Night na gaganapin ngayong araw.
Kikilalanin si TNT mentor Chot Reyes bilang Coach of the Year, samantalang paparangalan naman si Barangay Ginebra Governor Alfrancis Chua bilang Executive of the Year matapos na manalo ang kanilang mga grupo sa nagdaang 2 season.
Ang nagbabalik na si Reyes matapos ang halos isang dekada nitong pagpapahinga sa NBA ang naggabay sa tropang Giga upang makuha nito ang unang championship sa loob ng 6 na taon matapos nitong dominahin ang Philippine Cup.
Si Reyes naman na namumuno sa TNT ay tinapos ang elimination round na may 10-1 record at inalis ang Ginebra sa quarter finals, tinalo ang San Miguel sa semifinals at nilampaso ang Magnolia upang ipanalo ang finals ng All-Filipino crown.