HINDI sasali sa PBA All-Star Game sa Bacolod City si Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra.
Ayon kay PBA Deputy Commissioner Eric Castro, “not feeling well” ang manlalaro.
Iyon nga lang ay wala nang maipapalit kay Standhardinger sa Team Japeth ng All-Star Game dahil nakaalis na ang delegation papuntang Bacolod.
Maliban kay Standhardinger, hindi na rin maglalaro si Scottie Thompson para sa Team Japeth.
Subalit papalit para kay Thompson si Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots.