Christmas Park sa Lucena pansamantalang isinara

Christmas Park sa Lucena pansamantalang isinara

DAHIL sa sirang dekorasyon, pansamantalang isinara ang isang Christmas attraction sa Lucena sa Quezon Province.

Aabot sa 100,000 katao ang pumunta sa nasabing parke nang una itong binukasan para sa publiko noong Nobyembre 25.

Nag viral ang mga larawan ng parke na ipinakita ng isang netizen kung saan maraming Christmas decoration ang nasira at mga basura na naglipana sa nasabing lugar.

Kaugnay nito nanawagan ang lungsod ng Lucena sa publiko na magkaroon ng pag iingat at disiplina sa pagbisita sa parke.

Follow SMNI NEWS in Twitter