CIDG, patuloy na gagamitin ang terminong “missing” sa kaso ng mga sabungero

CIDG, patuloy na gagamitin ang terminong “missing” sa kaso ng mga sabungero

PATULOY na gagamitin ng pulisya ang terminong “missing” sa halip na “dead” sa kaso ng 34 sabungero.

Ito ang iginiit ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) director Police Brigadier General Ronald Lee sa kabila ng pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na “patay” ang akmang termino upang ilarawan ang mga sabungero na nawawala noon pang 2021.

Ayon kay Lee, nauunawaan nila ang kalihim dahil sa ibang krimen ay hindi pinapatagal ng mga suspek ang buhay ng kanilang biktima.

Pero ayaw aniya ng pulisya na magbigay ng “false hope” na buhay pa ang mga sabungero.

Sa ngayon, walang makitang “proof of life” o pruweba na buhay pa ang mga nawawalang sabungero.

Follow SMNI NEWS in Twitter