SISIMULAN na ng Cinemalaya ang pagtanggap ng short film entries para sa 2023 edition ng kanilang festival.
Maaaring isumite ang mga aplikasyon bago o sa mismong March 3, 2023, alas sais ng gabi sa Cultural Center of the Philippines Annex sa Pasay City.
Maaari din nila itong isumite online sa pamamagitan ng official link na ibibigay ng Cinemalaya.
Ang top 10 entries ay iaanunsyo sa May 26 at isasalang ito sa 2023 Cinemalaya Festival para sa Best Short Film Award sa August 4 hanggang 13, 2023.