Citizen’s arrest vs vote-buying at vote-selling, aprubado sa QCPD

Citizen’s arrest vs vote-buying at vote-selling, aprubado sa QCPD

APRUBADO para sa Quezon City Police District (QCPD) ang citizen’s arrest laban sa mga kandidato na maaaktuhang lumalabag sa kampanya ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa vote-buying at vote-selling.

Ayon kay QCPD Assistant Director Col. Roman Arugay, hinihimok nito ang publiko na gawin ang parte nito bilang tugon sa layunin na maging maayos, at malinis ang halalan ngayong taon.

Batid naman ng PNP na bagamat may risk o posibleng banta sa seguridad at kaligtasan para sa publiko ang citizen’s arrest pero tiniyak nito ang suporta ng PNP laban sa kampanya kontra pagbebenta at pagbili ng boto.

Sa ngayon, wala pa naman silang rekord na may hinuli nang politiko sa isyu ng vote buying at vote selling sa lungsod ng Quezon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble