Cleanfuel Bauan, Batangas branch, bukas na para sa mga motorista

Cleanfuel Bauan, Batangas branch, bukas na para sa mga motorista

BUKAS na para sa mga motorista ang pinakabagong branch ng Cleanfuel sa Batangas.

Very accessible dahil nasa kahabaan lamang ito ng Palico-Balayan Batangas Rd. sa bayan ng Bauan.

Kaya ang ating mga kababayan na araw-araw dumadaan sa access road ay tuwang-tuwa sa bagong development.

“So we’re very happy dito sa ano sa performance ng Cleanfuel in Batangas Province,” pahayag ni Atty. Bong Suntay, President, Cleanfuel.

Ito na ang ika-limang branch ng Cleanfuel sa Batangas dala ang serbisyong de-kalidad sa mga Pilipino.

Moderno, malinis at air-conditioned ang kanilang CR para sa mga motorista.

Available na rin ang kanilang rewards para sa mga VIP card holder.

Dahil may kaakibat na puntos ang bawat pagpakarga sa kanila.

Pwedeng ipalit ang mga puntos sa mga reward na kadalasan ay appliances.

At dahil independent oil player ang Cleanfuel, sinisikap nilang mapababa ang presyo ng kanilang mga produkto.

Sa gitna na rin ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis sa world market.

“Pinag-aaralan kong mabuti kung paano maipapababa pa yung presyo natin para mabigyan ng additional benefit ang ating mga motorist,” ani Suntay.

Samantala, may panawagan naman si Suntay sa pamahalaan bilang presidente ng Philippine National Taxi Operators Association.

Hiling nila ang P20 na pagtaas sa flag down rate sa mga taxi dahil mismo ang sektor ay labis na apektado sa oil price hike.

“The last fare increase na naibigay sa taxi was way back in 2017 when prices of gasoline was down to 38 pesos. Alam naman natin nasa 80 plus na ang gasolina ngayon,” ayon kay Suntay.

Diin ni Suntay, resonable dahil walang labis at walang kulang ang umento na kanilang hiling.

Kung pagbibigyan, mahigit 24,000 taxi driver sa Metro Manila ang makikinabang dito.

Kaya sa pagpasok ng bagong administrasyon sa LTFRB sa ilalim ng Bongbong Marcos administration ay patuloy itong igigiit ng grupo ni Suntay ang fare increase.

“It’s the best win-win solution na nakikita kong pwede nating gawin,” ani Suntay.

Follow SMNI NEWS in Twitter