COA report ng P125-M confi fund na inilipat sa OVP, ilalabas sa Disyembre

COA report ng P125-M confi fund na inilipat sa OVP, ilalabas sa Disyembre

ILALABAS ng Commission on Audit (COA) ngayong Disyembre ang kanilang report hinggil sa kinukuwestiyon na P125-M confidential funds mula Office of the President (OP) na inilipat sa Office of the Vice President (OVP) noong Disyembre 2022.

Ayon ito kay Sen. Sonny Angara na siyang dumidepensa ng P13.539-B na panukalang pondo ng Komisyon sa 2024.

Nauna nang sinabi ng COA na tatapusin nila sa Nobyembre 15 ang report, subalit sinabi ni Angara na nagpapatuloy pang pinoproseso ang mga naisumiteng dokumento ng OVP.

Matatandaang kinuwestiyon ang naturang confidential funds dahil ginastos lang ito sa loob ng 11 araw.

Ayon kay Exec. Sec. Lucas Bersamin, ang confidential funds na ini-release sa OVP noong 2022 ay para sa pagtatayo ng satellite offices at iba pang programa ng opisina.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble