100% nang handa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).
Ito ang inihayag ni COMELEC spokesperson Atty. Rex Laudiangco sa panayam ng SMNI News.
Ani Laudiangco, nakahanda na ang higit 91-M balota at tanging ang electoral board training na lamang ang gagawin ng komisyon sa Setyembre.
Tiniyak din ni Laudiangco na tataasan ang ibibigay na honorarium sa magiging electoral board dahil mas mahirap at mas matagal ang proseso ng isasagawang manual election.
Magsisimula naman ang Certificate of Candidacy (COC) filling para sa BSKE mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 8 am – 5 pm.
Tatagal din ng 10-araw ang campaign period mula Oktubre 20 at ihihinto sa gabi bago ang eleksiyon.
Gaganapin naman ang botohan sa Oktubre 30, 2023.